Lyrics

, ilakad ang tsinelas sa putikan, humakbang kahit na mahirap, iyong mga paa'y madudumihan, palatandaan ng pagsusumikap, bumangon sa hamon, lalaban at hindi ka na papayag, magpa agos sa alon, sabay nating itataas ang layag, ilakad ang tsinelas sa putikan, humakbang kahit na mahirap, iyong mga paa'y madudumihan, palatandaan ng pagsusumikap, bumangon sa hamon, lalaban at hindi ka na papayag, magpa agos sa alon, sabay nating itataas ang layag, barong-barong, patong-patong, bulok na bahay, kalong-kalong, ng lupang 'di sa amin, sako-sakong dasal 'wag palayasin, halo-halong mga sana na nagka dikit-dikit, parang kapit mo sa gamit na nagka ilit-ilit, maniningil na pagkakulit-kulit, sa kakarampot mong naipon na nagkapunit-punit, lumang bente, singkwenta, maswerte kung isangdaan, para kang binenta pagkatapos ay dinaganan, ng kalang sinilaban, lutuang walang laman, kaliwa o pakanan, alam mo pa ba ang daan?, tinatapakan, pinupulaan, sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang, maraming nakaharang kahit magsabing paraan, minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan, ilakad ang tsinelas sa putikan, humakbang kahit na mahirap, iyong mga paa'y madudumihan, palatandaan ng pagsusumikap, bumangon sa hamon, lalaban at hindi ka na papayag, magpa agos sa alon, sabay nating itataas ang layag, sawang-sawa ka na ba?, gusto mo nang magmura, sumigaw, umayaw, bumitaw kung baga, tila kumupas na'ng mga guhit-guhit, sa mga palad ang hiling ay hindi madinig-dinig, tuyo at lumalatay kapag hinablit ka ng silid, walang maaaning bunga kahit dilig ka ng dilig, kumandirit dahil baka may magising nakakahiya, bagkus humalagpos ang poste ng bahay at gumiba, kumayod na parang wala kang karapatang humiga, kumurap kahit na ayaw mong kapalan ang mukha, tinatapakan, pinupulaan, sinabihan ka na ba na hanggang d'yan ka na lamang, maraming nakaharang kahit magsabing paraan, minsan ang paglaban lang ang natitirang paraan, ilakad ang tsinelas sa putikan, humakbang kahit na mahirap, iyong mga paa'y madudumihan, palatandaan ng pagsusumikap, bumangon sa hamon, lalaban at hindi ka na papayag, magpa agos sa alon, sabay nating itataas ang layag, ilakad ang tsinelas sa putikan, humakbang kahit na mahirap, iyong mga paa'y madudumihan, palatandaan ng pagsusumikap, bumangon sa hamon, lalaban at hindi ka na papayag, magpa agos sa alon, sabay nating itataas ang layag

Song details

Artist: gloc-9