Lyrics
ang awiting ito'y para sa lahat ng minahal natin, ito'y para rin sa lahat ng mga nag-mahal sa atin, tulay ng isang ibo'y, tao ay lumilipat, pangarap ang tanging nais, na marating at matupad, bakit pa luluha?, bakit maghihirap?, ayaw mang mangyari, ay di masasabi, minsan tayo ay nalilibang, di natin napapansin, oras na lumilipas ang pilit nating lilingunin, sana'y nasabi ko, sana'y nalaman nya, sana'y nung giginaw'y hawak ko ang palad nya, ngunit na isip ko, ngayon ay mas dinig, kahit na isang kulong, kahit na isang pintig, ang puso pag sinabi mong sya ay mahalaga, asahan mo'y sayo ganun din ang nadarama, isip ay nalilito, pag naka kita ng bago, lahat ng bagay sa mundo, ay isang malaking tukso, sasaktan mo lamang, puso ay huwag sugatan, ito'y laro lamang, sa mundong makasalanan, matapos ang lahat, isa lang ang aking napatunayan, huwag mong hayaan na parang alikabok sa lasangan, na lumilipad lipad at tuluyan ng mapahalo, pag umula'y magiging putik, sa kanal na bumabaho, sabi nga nila ang buhay ay siguradong hindi, lahat ay nakatakda, pero hindi ka pwedeng mamili, at kung mayroong pagkakataon, mahigpit kong yakapin, dahil baka bukas sayo'y bigla na lang agawin, tubig ay natutuyo, bulaklak ay nalalanta, araw ay lumilipas, sa gabi rin ang punta, sasaktan mo lamang, puso ay huwag sugatan, ito'y laro lamang, sa mundong makasalanan, salamat sa pag-kakataon kayo ay naka sama, salamat sa mga araw, may luwa man o tawa, salamat dahil nalaman ko ang aking pagkukulang, pero sa kabila nito, ako'y hindi nyo kinalimutan, salamat dahil ako'y ayong tinuring na kaibigan, salamat at sa susunod nating kamustahan
Song details
Artist: gloc-9