Lyrics

kahit pa ako'y isang datihan, na galon galong pinapawisan, mananatili paring isang baguhan, kahit gano kalayo ay mararating, kasya pang aking sukli, kasya pang aking sukli, kasya pang aking sukli, mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang, hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban, lahat ng tanong, mga sagot aking hahanapan, bawat taon, nilakad at dinaanan, kahit maputikan ang aking sapatos, na pinag ipunan ng hirap at pagod, sapag. tawid sa tulay na walang gabay, sugat sa kamay na, bawal ang aray kahit mamatay at gutaygutay pa, gusto ko lamang sa. bihin ay di mada, li ang mga kailangan kong danasin pa, ra lang maabot ang mga kailangan ng aking mga supling, bagamat mailap ang pagkakataon, pinag kasya ko ang sukling, sakin ay inabot, inunat ang baluktot bakit tadhana ay malikot, iwasan ang mayamot kahit na matabunan ka pa ng mga sigalot, ngunit di ka papayag dahil katapangan mo'y di maikukubli, kahit na ano pang sabihin ng iba'y kasya pang aking sukli, kahit pa ako'y isang datihan, na galon galong pinapawisan, mananatili paring isang baguhan, kahit gano kalayo ay mararating, kasya pang aking sukli, kasya pang aking sukli, kasya pang aking sukli, labing walong taon kapag nilingon ay parang balon na malalim, bawal ang mag tapon dapat mag ipon ako ay pison papatagin, ang lahat ng pikon di makatugon sa mga hamon uulamin, sa bawat araw na nag daraan ako'y laging nagdarasal, ama namin, dambuhala man ang naka harang ay di tumitigil di papapigil, kahit kanino ako'y pursigido na parang baguhan, ako'y nang gigigil, batang pulibi gutom, bibig ko na di pwedeng mapatikom, sisiguraduhin ko na iyong maririnig kahit na ito ay pabulong, mula pa noon, ay sinimulan ko nang gumapang, hanggang ngayon, ay naka handa akong lumaban, umaalulong, isa lang ang aking natutunan, mula ngayon, ikaw ang dapat mong tulungan, di papagapos sa daloy ng agos kahit na pulaan at laging mamaos sa pag, sigaw ng sigaw pag naliligaw libag ay ipagpag, itak mo'y bingaw, bigas ma'y hilaw wag kang bibitaw wag, kahit pa ako'y isang datihan, na galon galong pinapawisan, mananatili paring isang baguhan, kahit gano kalayo ay mararating, kasya pang aking sukli, kasya pang aking sukli, kasya pang aking sukli

Song details

Artist: gloc-9