Lyrics
naransan mo na bang kumain ng walang nakahain, nabasa ng ulan dahil wala kang dahon ng saging na masilungan, di tinulungan di mo akalain ng tuluyan, ng matatapunan ng mga suliranin, naranasan mo na bang parang nakagapos, ang mga braso samga problemang, kinakaharap ay lagi kang talo, di na alam ang iyong gagawin, sa putik ay sagipin, kung meron kang pagtingin, aking palad ay abutin, tila hindi na maubusan ng luha, mata na palagi na lamang nakatitig sa lupa, hindi na kayang tumingala, kailan makakawala, magkasing dami ng pagsubok, ang aking pagkadapa, kailan pa matatapos paghihirap ko sa buhay, di ko to ginusto pero mahaba na aking sungay, at ng hindi na madamay pa sa aking kamalasan, pilitin mong matakasan, bago pa ako masiraan ng aking ulo. ayoko mang masiraan ang aking ulo. bago pa ako masiraan ng aking ulo. bahala ng masiraan ang aking ulo, naranasan mo na bang pawisan, hindi mo pwedeng punasan, hindi mo pwedeng iwasan, hindi mo pwedeng labanan, hindi mo pwedeng gamitin, hindi mo pwedeng hipuin, sunud-sunurang alipin na parang ako'y inutil, na laging hinahagupit, ng amo kong malupit, nadarama kong sakit, palaging nakapikit, at pilit na tinitiis, ang bawat hapdi sa mga araw na laging kulang ka sa salapi, at di mo na malaman kung kanino ka hihingi, kung minsan ay di mo pa makuhang ngumiti, pagkagising ay trabaho, kung minsan ay namamaho, kasi butas na ang tabo, wala pang tubig sa banyo, sinasabutan mo nang sarili, langaw ay hinuhuli, pag mag-isa'y humuhuni, nandyan sa tabi-tabi, gusto mo ng sumigaw, gusto mo ng bumitaw, sabihin mo sa akin, bago pa ako masiraan ng aking ulo. ayoko mang masiraan ang aking ulo. bago pa ako masiraan ng aking ulo. bahala ng masiraan ang aking ulo
Song details
Artist: gloc-9