Lyrics

, lagot ka sa nanay mo, palo ka na ng tatay mo, ba't ganyan ang ugali mo, huli ka, wag kang tatakbo, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento, malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo, parang kapit-bahay ko si kadyo, ugali niya'y tabingi medyo, sa umaga'y pabili neto, sabay tungga sa bote ng anyeho, bakit di pa ikaw ang nadedo, yun pang kapatid mo na si beto, na wala nang ginawa kundi kumayod para ang mesa ay kumpleto, di tulad mo na lasenggo, palaging nasa basag-ulo, ikaw ay suki ng kalaboso, laging nasa punot-gulo, kadalasan pa ika'y bastos, di ka marunong magkuskos, isip-bata ka pa sa musmos, mukha ka na parang may luslos, kelan ka pa magbabago, eh pano?, kung wala nang maniwala sa mga nagreklamo, alam ko ang pwede mong sabihin sa akin ay, wag kang makialam, at ang lahat ng mga nangyayari sa bahay, o buhay mo'y di ko alam, pero pano ba yan, palaging tandaan, ito ay kanta ko hindi ba?, kaya wala ka nang magagawa, narito na ang tanya markova, lagot ka sa nanay mo, palo ka na ng tatay mo, ba't ganyan ang ugali mo, huli ka, wag kang tatakbo, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento, malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo, itong guro ko na masungit, pangala'y ginang buenaofra, parang ayoko nang pumasok kase kung makatingin ay parang cobra, pinagiinitan, ginigisa, ako'y animo'y talong na tinorta, di na nga matapos sa pagsusulit, wala pang makuha na suporta, 'pag minamalas ay merong batok, pag napalakas ay parang dagok, kaliwa man o kahit na kanan, parang 3 points ni ronnie magsano, ang pabaon lagi ay burong, dapat mataas ang marka sa bunot, buhok ay sanay na sa pagsabunot kaya noo'y natakot sa pagkakulot, mawalang galang na po ma'am, di po ba kayo makaramdam, sino pong maysabing ang mga pananakit niyo'y, parang kagat lang ng langgam?, alam mo ba ganito? sabihin sa akin ay wag kang makialam. at ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. pero anumang balakid 'yan, kaya wala ka nang magagawa narito na ang tanya markova. lagot ka sa nanay mo, palo ka na ng tatay mo, ba't ganyan ang ugali mo, huli ka, wag kang tatakbo, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, makinig sa mga kwento na kahit medyo inimbento, malamang ay ang dahilan kung bakit ka nakikinig ng radyo, pinakikilala ko sa inyo kaibigan ko si onse, kase palaging may sipon, jumijingle dun sa kahit saang poste, at kahit pa sa edad na dose, madami na siyang nalooban na kotse, palakad-lakad sa mabalakad, nilalapitan kahit na sinong prospe, upang makahingi sa'yo ngkahit na konte, akin na bente pesos, kase pambili ng gamot, para dun sa kapatid ko na si remedios, pero ang totoo po niyan, para di kumalam ang kaniyang tiyan, sa tindahan ng semento pagbilan, ng pandikit ng sapatos oh ayan!, e-e-e-enhale, exhale. pwede ba tigilan mo na nga yang rugby, hindi ba tama naman ako sabi nila, tatay mo sakin exactly, pero alam ko kung anong pweden mong sabihin sa akin ay wag kang makialam. at ang lahat ng mga nagyayari sa bahay o buhay mo'y di ko alam. pero anumang balakid 'yan, kaya wala ka nang magagawa narito na ang tanya markova. lagot ka sa nanay mo, palo ka na ng tatay mo, ba't ganyan ang ugali mo, huli ka, wag kang tatakbo, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali, mga salbahe, hindi kasali, dun sa naghahanda kang itali

Song details

Artist: gloc-9