Lyrics
sabi nila kay tagal kong nangarap, makilala ang siyang magbibigay saya, sa puso kong bigo, sa buhay kong malabo, ngayon ako'y napagbigyan, isang nilalang na magsisilbing tahanan, ang tunay kong kapalaran, sagot sa aking dasal, ang aking mahal, pangarap na ikaw, sa araw-araw ay matanaw, pangarap na ikaw, nagsisilbing tanglaw, wala nang ako, lahat ngayo'y pana'y tayo, ang salitang ikaw, ngayo'y abot tanaw, ngayon ako na ay iyo, asahan pagibig ko ay hindi magbabago, kailanman ay totoo, ang ikaw na panaginip isa nang katotohanan, pangarap na ikaw, sa araw-araw ay matanaw, pangarap na ikaw, nagsisilbing tanglaw, sa ating pagharap sa bukas na pangarap, kalungkuta'y nagwakas sa pagibig na wagas, pangarap na ikaw, sa araw-araw ay matanaw, pangarap na ikaw, nagsisilbing tanglaw, wala nang ako, lahat ngayo'y pana'y tayo, ang salitang ikaw, ngayo'y abot tanaw, pangarap na ikaw, habambuhay kong mahal
Song details
Artist: erik santos