Lyrics

ito'y isang awiting aking sinulat, nang sa gayon kayo ay aking mamulat ah. at makilala ang, isang makata na, mula sa rizal ako ay isang bata na, merong pinapangarap, kaytagal kung hinanap, kaytagal kung hinabol, kaytagal kung nayakap, ang aking pagkakataong, marinig, nalagay, ang boses ko sa cd, na bili ng, libo libong katao, ang lahat ng tula ko, letrang kinabisado, pag-kakanta'y kabado, palad na malamig, medyo nanginginig, hirap sa paghinga, parang sumisikip, ganyan palagi pag hawak ay mikropono, isipin mo, yan ay totoo, kahit ako'y isang makatang bihasa, kaibigan isa lamang ang aking ginawa kaya, mangarap ka. kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas, kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas, mangarap ka. kung ikaw ay mangangarap, mangarap ng mataas, kung isang suntok na lamang ay pinakamalakas, binabayaran nga sa tuwing ako'y aawit ng tula, pero bakit kulang, parang lumunok ka ng dura, malalakas mangutya, makakapal ang mukha, dinaanan ko na parang nagmumog ka ng tuba, ubod ng pait kung minsan ay hindi ko masikmura, dito ko pinagpalit ang pag-aaral teka muna yan ang sabi ko, dahil gusto kong maging sikat, usap-usapan parang makabagong alamat, pero akala ng iba, ito ay madali, pakinggan mo ako pare wag kang mag madali, naranasan mo na ba sayo'y walang kumakaway, kasama ka sa motorcade pero walang kumakaway, para kang gago, mikropono'y laging dispalehado, tumatalon na cd, sira na entablado, di ka pinapansin kasi di ka makakanta, pagkatapos mong umawit bibigyan ka ng barya, labing isang taon, ang sa akin ay lumipas, ngayon ay masasabi kong, matamis nga ang ubas, hindi ako doktor, lalong hindi piloto, pero dahil saking dula ay nasa eropalano, salamat sa bato, bakal, kahoy't sa dingding, parangal para hangain, pangalan ay magningning, pero sakin may isang batang lalaki at babaeng na nag-aabang, kung meron akong maipapadede't maipapakain, kanilang kinabukasan ay aking sisiguraduhin, ang masagana ay aabutin, bagamat ako'y isang, kilalang, nilalang minabuti kong ako ay mag-aral nalang, tatapusin ko ang kurso nasaki'y maghahatid ng tagumpay, na parang meron akong bakal sa dibdib, hindi tinatablan, isipin mo naman, kahit sumikat man o malaos may masasandalan, sinasabi nila ako ang pinakamagaling, pinakamabilis, at iba'y walang dating, ibang klase kung sumulat, para kang kinakausap, pag merong bubuhatin ako lang ang makakabuhat, nagbabago ng tingin sa mga makatang pinoy, pagmadilim may sumusulat ng letra nag-aapoy, tatanggapin ko yan ng buong karangalan, kung ako ang syang umawit ng mga kababayan,

Song details

Artist: gloc-9