Lyrics

Bakit ba may lungkot sa 'yong mga mata  
Ako kaya'y di nais makapiling sinta  
Di mapapansin ako sayo'y may pagtingin  
Sana ang tinig ko'y iyong dinggin  
  
Ako ngayo'y di mapalagay  
Pagkat ang puso ko'y nalulumbay  
Sana ay pakaingatan mo ito  
At tandaan mo ang isang pangako  
  
Pangako hindi kita iiwan  
Pangakong di ko pababayaan  
Pangako hindi ka na mag-iisa  
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa  
Ang magkasama  
  
Ano itong nadarama ko  
Ako kaya'y nahuhulog, umiibig na sayo  
Sa tuwing kasama ka'y anong ligaya  
Sana sa akin ay magtiwala  
  
Kung tunay man ang nadarama mo  
Mayron akong nais malaman mo  
Ang aking puso ay iyong-iyo  
Wag sanang lumimot sa pangako  
  
Pangako hindi kita iiwan  
Pangakong di ko pababayaan  
Pangako hindi ka na mag-iisa  
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa  
  
Pangako hindi kita iiwan  
Pangakong di ko pababayaan  
Pangako hindi ka na mag-iisa  
Pangakong magmula ngayo'y tayong dalawa  
Ang magkasama  
Pangako

Song details

Artist: Regine Velasquez