Lyrics

di ko mapigilang ngumiti, pag ika'y nakikita, para kang isang regalong, nagbibigay saya, nagtataka kung anong, hiwagang mayron ka, sana ang nadarama, ay di na lumipas pa. para bang namamasyal sa ulap, tuwing kasama ka, pati mga problema ko'y, biglang limot ko na, ang oras ay biglang natrapik, biglang humihinto, sulit ang bawat minutong, ika'y naririto. kay sarap isipin na naryan ka, pag ako'y nalulumbay, basta't kasama ka lahat ng bagay, ay puno ng kulay, naririnig ang daloy ng tubig, at ihip ng hangin, sa piling mo'y naglalakbay ako, at nananaginip. ano bang meron ka, at ako'y naakit mo?, mapungay ang mata, kapag ika'y kasama ko, basta't kapiling ka, ako ay ayos na, at sa bawat gitgit iyong makikita, na mahal kita. kay sarap isipin na naryan ka, pag ako'y nalulumbay, basta't kasama ka lahat ng bagay, ay puno ng kulay, naririnig ang daloy ng tubig, at ihip ng hangin, sa piling mo'y naglalakbay ako, at nananaginip. kay sarap isipin na naryan ka, pag ako'y nalulumbay, basta't kasama ka lahat ng bagay, ay puno ng kulay, naririnig ang daloy ng tubig, at ihip ng hangin, sa piling mo'y naglalakbay ako, at nananaginip.

Song details

Artist: kamikazee