Lyrics
, lahat ay ginawa ko, lahat ay tinaya ko, para sa bayan ko, pero teka, pano kung tama sya, ano ang napala ko, pati buhay tinaya ko, para sa bayan ko, pero teka, pano kung tama sya, tinta at panulat ang ginamit, sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit, nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit, 'sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit, ng amoy nung ako'y magpasyang ituloy, ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy, sa bawat isang pinoy na lubog sa kumunoy, ng dayuhan ang mga balot sa kumot na tisoy, kahit na sabi nila ako'y hindi pumapalag, ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag, bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag, kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo'y libag, makalipas ang isang daang taon at limampu, ano ang aking namasdan ano ang aking natanto, para bang ang panahon mula noon ay huminto, sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto, ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan, tandaan mo ang laman ng isang kasabihan, aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan, kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian, lahat ay ginawa ko, lahat ay tinaya ko, para sa bayan ko, pero teka, pano kung tama sya, ano ang napala ko, pati buhay tinaya ko, para sa bayan ko, pero teka, pano kung tama sya, ito ang sa tingin ko'y tama, at ang syang nararapat, pero teka lang. sa kanila'y huwag kang maawa, yan lang ang syang nararapat, pero teka lang. ako'y isang batang tondo na anak ng mananahi, at sa idad na katorse mga braso'y natali, 'di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa, nakadampot ng karunungan at namulat ang mata, na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali, at ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi, silang alipin ng ginto at amoy ng salapi, mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati, abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan, kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan, ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan, wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan, dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina, subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila, ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila, at nagbago nang itsura ng tinaas na bandila, ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan, kung iisipin ang laman ng isang kasabihan, aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan, kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian, lahat ay ginawa ko, lahat ay tinaya ko, para sa bayan ko, pero teka, pano kung tama sya, ano ang napala ko, pati buhay tinaya ko, para sa bayan ko, pero teka, pano kung tama sya, ito ang sa tingin ko'y tama, at ang syang nararapat, pero teka lang. sa kanila'y huwag kang maawa, yan lang ang syang nararapat, pero teka lang.
Song details
Artist: gloc-9