Lyrics

mga kababayan ko, wala na ang kaibigan ko, wala nang magulo, isang ama sa walo, wala na ang kaibigan ko, at magpahanggang sa dulo, ay ayaw nyang magpatalo, wala ring pilyo, kahit kwarenta'y kwatro, wala na ang kaibigan ko, ito ay naka korto, mukha lang binatilyo, wala nang isang henyo, wala na rin si gwapo, wala na ang kaibigan ko, pwedeng mag inglisero, pwede ring dilang kanto, wala na si idolo, may buhok man o kalbo, wala na ang kaibigan ko, dito t'yak ang sagot mo, wala yan sa lolo ko, batanes hanggang jolo, maging sa buong mundo, pano na ang nasyonalismo, sinindihan na kandila liwanag, ang ibinigay, parang liwanag ng araw sa, bukang liwayway, mga sinulat ng kanyang kamay, inisip ng kanyang utak, di mabilang sa mga daliri na, humahawak ng mikropono, mic check, his rhymes na may sense, he grips the mic stand, so we could rap again, tinta ng kanyang panulat, parang balitang inulat, lahat ng tao'y nagulat, sa pagsambulat namulat, di ko masabi kung bakit, sa akin ay may pagtingin, ang taong tanging nakabibilang, ng butil ng buhangin, parang plato nga kanin, na palaging nakahain, di kailangan ng ulam upang, utak ay mapalalim, kaya't ang tanging dalangin, tuloy tuloy na palarin, tuloy tuloy na umawit ang, syang tunay na hangarin, at sa bawat letra kong, isusulat na bubuo sa kanta, ika'y samin mananatili, at wala nang iba, at nasubukan ang pagkamakabayan mo, nang bigyang pag alala isang sabado, at sa pag lipad ng mga puting lobo, mapa ng pilipinas, binuo nito, mga kababayan ko, nasa langit na ang kaibigan ko

Song details

Artist: gloc-9