Lyrics

Kung ang tinig mo'y di naririnig  
Ano nga ba ang halaga ng buhay sa daigdig  
Darating ba ang isa ngayon  
At magbabago ang panahon  
Kung bawat pagdaing ay laging pabulong  
  
Aanhin ko pa dito sa mundo  
Kung ang mga matang nakikita'y di totoo  
May ngiting luha ang likuran at paglayang  
Tanong ay kailan bakit di natin  
Isabog ang pagmamahal  
  
Sundan mo ng tanaw ang buhay  
Mundo ay punan mo ng saya't  
Gawing makulay  
Iisa lang ang ating lahi  
Iisa lang ang ating lipi  
Bakit di pagmamahal ang ialay mo  
Pang unawang tunay ang siyang nais ko  
Ang pagdamay sa kapwa'y  
Nandyan sa palad mo  
  
Diba't. ang gabi ay mayroong wakas  
Pagkatapos ng dilim ay may liwanag  
Araw ay agad na sisikat iilawan ang  
Ating landas ng magkaisa  
Bawat nating pangarap  
  
(Repeatchorus)  
(Repeat Chorus with Higher tone)

Song details

Artist: Regine Velasquez