Lyrics
mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna, pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa, pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad, nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin sisikat ka, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin yayaman ka, dun samin, dun samin, dun samin, pakingan mo ang mga kwento ng industriya, pare tingnan mo sisikat din ako, di nga, ito ay mga kaganapan sa buhay, ng isang tao sa mundo ng ibat-ibang kulay, ilaw na patay sindi, kahit na hindi gabi, malalakas na tugtugin na nakakabingi, pero ito ang dinasal ito ang hinagilap, kapalit ng pagaaral kahit tila mahirap, habulin hulihin lunurin baguhin ang sarili, matulin-tulin bunutin pag natibo ka ng bote, sa paa dapat lagi kang nakatapak sa lupa, kahit na alam mo ang puhunan mo dugo't luha, meron kang dala dalang 'di alam ng iba, lamunin man ng kaba, ininsayo mo na, at hinding hindi ka papayag na 'di mo maabot, kahit ulitin pang iyong layo't laot may mahamog, madilim at malayo maalon na daan, kahit na ano pa yan ay kanyang lalampasan. mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna, pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa, pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad, nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin sisikat ka, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin yayaman ka, dun samin, dun samin, dun samin, pakingan mo ang mga kwento ng industriya, hoy ai idol, ha mayabang naman yan e, liwanag na nakakasilaw, simula sa araw, palakpakan at pangalan mo ang nangingibabaw, sigawan ng mga tao, kahit saan mapunta, ikaw lang ang gusto nila at wala ng iba, kahit ano ang iyong gawin, ay kanilang bibilhin, makita lang ang kinang ng iyong bituwin, sa bilis ng pangyayari di mo namalayan, bagong bahay lote kotse lupa at kayamanan, na sa iyong kamay na gustong kamayan ng lahat, kaibigan na hindi mo na bilang, na laging nakaakbay gusto kang sabayan sa daan, papayungan ka kapag umuulan, ikay nawili at tila ba nalasing ka sa lahat, ng mali kasi alam mo na ikaw lang ang sikat, sa layo ng narating di mo nakita ang hinanap, sa dami ng 'yong hawak naging bangungot ang, mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna, pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa, pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad, nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin sisikat ka, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin yayaman ka, dun samin, dun samin, dun samin, pakingan mo ang mga kwento ng industriya, hoy kilala mo ba yan? oo laos nayan, panahon ay dumaan, naging pangilan-ilan, pag sampa ng entablado nakalimutan, na mga awit na inawit malalakas na hiyaw, bakanteng upuan na nakikinig lang ay ikaw, sa isang iglap tila wala ng nakakakilala, di mo matangap kasi wala ng nakakaalala, dumating ang tagtuyot ni walang kamalay malay malungkot, dahil di ka nagtatabi ng palay nung sagana sa lahat, madami kang kaibigan na akala mo hinding hindi ka tatalikuran ngbiyong mapag, alaman na ikay napag iwanan makatapos ng lahat, ikaw ang pinagtatawanan dahil, nawili at tila ba nalasing ka sa lahat, ng mali ngayon alam mo na hindi kana sikat, ang layo ng nirating di mo nakita ang hinanap, o humawak ka dahil pwede pang mabawi ang, mga pangarap na hinahanap ay abot kamay muna, pera't alak kung iyong balak mapagsasabay mo pa, pero mag-ingat sa pagsipat ng mga hinahangad, nakakaduling kung matuling o matayog ang lipad, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin sisikat ka, dun samin, dun samin, dun samin, dun samin yayaman ka, dun samin, dun samin, dun samin, pakingan mo ang mga kwento ng industriya
Song details
Artist: gloc-9