Lyrics
, tubig na iinumin mo na ay, ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay, saya mong mahaba na nagkagutay-gutay, retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay, nanay, mami, ina, mama, inang, mamang, ima, sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay, nanay, mami, ina, mama, inang, mamang, ima, dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay, siyam na buwan sa'yong sinapupunan dinala, hayaan po ninyong sabihin kong ikaw ang pinaka, mapagbigay, hindi iniisip ang sarili, at kay itay ikaw ang palaging humahalili, pag hinipan mo ang sugat ko agad gumagaling, pag kinukuha ko ang buhat n'yo agad umiiling, kaya ko na ito anak, baka mahuli ka sa klase, tinapay na pinalamanan ng baon palagi, madaling araw kung gumising para lang makapagluto, maghapong maglalako para sa maliit natubo, bayad naming sa ilaw, tubig, kuryente, kahit kulang ang sweldo palaging merong pamalengke, mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na, pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa, iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya, pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina, tubig na iinumin mo na ay, ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay, saya mong mahaba na nagkagutay-gutay, retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay, nanay, mami, ina, mama, inang, mamang, ima, sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay, nanay, mami, ina, mama, inang, mamang, ima, dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay, puyat, pagod, sinat, hagod, saing, hain, hugas, kayod, sahod may kapos hindi ka nakakalimot, na sindihan ang posporo, kandilang tinusok sa ibabaw ng mamon, na balot ng matamis regalo mo taon-taon, tila napakabilis isang babae na 'di marunong maningil ng buwis, minsa'y nakakainis minamani mo ang tiis, kapalit lang ay halik at yakap na mahigpit, mano sa kanang kamay sa noo ididikit, kahit gabutil na buhangin pipiliting ibalik, parang simoy ng hangin ikaw ay walang kapalit, mawalang galang na nanay pagpasensyahan n'yo na, pagsuway ko ba'y pwede kong dagdagan pa ng isa, iwasan ang pagyayabang yan ang palaging bilin n'ya, pagsisigawan kung ga'no kapalad na ikaw ang s'yang aking ina, tubig na iinumin mo na ay, ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay, saya mong mahaba na nagkagutay-gutay, retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay, nanay, mami, ina, mama, inang, mamang, ima, sa'min ay wala ng iba 'di sapat ang salamat inay, nanay, mami, ina, mama, inang, mamang, ima, dapat n'yong malaman isisigaw na ikaw ang aking inay, tubig na iinumin mo na ay, ipanghuhugas mo pa ng aking paa't kamay, saya mong mahaba na nagkagutay-gutay, retasong pangginaw sa gabing matamlay aking inay
Song details
Artist: gloc-9