Lyrics

Sa May istasyon ihahatid ka  
Tinititigan bagahe mong dala  
Minamasdan kita,  
Mamaya'y wala ka na  
  
Sa may istasyon kasama kita  
Pinipigil luha sa 'king mata  
Ngayo'y kapiling ka,  
Mamaya'y nag-iisa na  
  
Hanggang sa muli,  
Iiwasang sa isip ka lagi  
Di hahanapin o kakailanganin  
Di sasabihing mahal ka sa akin  
Hangang sa muli  
Pipiliting huwag kang alalahanin  
Di nanaisin yakap mo't halik  
Di sasabihing sana'y magbalik  
Hangang sa muli  
  
Sa may istasyon ika'y sasakay na  
Papalayo na'y sinusundan pa  
Ika'y wala na ako'y nakatingin pa  
Hangang sa muli

Song details

Artist: Carol Banawa