Lyrics

Ano pa kaya ang magagawa  
Ngayong wala ka na  
Habang ako ay nagiisa, nangangamba  
Paano na ang bukas ko  
Nasanay na sa piling mo  
  
Hanap ka  
At umaasa pang sana'y  
Muling makapiling ka  
At di na maalis ang nadarama  
At ipinagdarasal  
Na sana'y magbalik  
Wala nang mahihiling pa  
Kung maaari pang muling makapiling ka  
  
Hanggang ngayo'y nasa isip ko  
Ang kahapong kay saya  
Di maunawaan  
Kung bakit kinailangang ika'y mawala  
  
Paano na ang bukas ko  
Nasanay na sa piling mo  
  
Hanap ka  
At umaasa pang sana'y  
Muling makapiling ka  
At di na maalis ang nadarama  
At ipinagdarasal  
Na sana'y magbalik  
Wala nang mahihiling pa  
Kung maaari pang muling makapiling ka

Song details

Artist: Freestyle