Lyrics
bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, nang una kitang makita sa may ermita, hindi ko na namalayan kung bakit, na para bang ako'y naakit, ng ika'y lumapit, tinanong ko ang iyong pangalan at ang yong telepono, pero sabi mo, di mo kinakausap ang mga tulad kong walang pera, walng kotse't di doble doble ang cell, pero teka muna miss, wag kang mabilis lumakad, di naman ako manyakis, at walang labis, walang kulang, ang sinukli ko sayo, balot! eto pa cge, dalhin mo na lang sa inyo, kahit na wala akong kitain, walang makain, basta't alam mo lang kung gaano kahalaga sa akin, ang ikaw ay mapaglingkuran at mapagsilbihan, ipagpatawad mo sana, ako man ay naguguluhan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, sa loob ng aking kwarto, o sa loob ng aking banyo, kung alam mo lang ang dami ng mga litrato, inunan ko pa sa may kanto at pinakuwadro ko pa, nang sa gaoon ay lagi tayong magkasama, araw man o gabi kahit sandali, sa hirap man o ginhawa ikaw at ako magpakailanman, na para bang mga palabas sa sine, alam mo na para bang imposible, pero pwede ka bang mailibre sa kanto, ng lugaw, palamig, siomai o siopao, baka pwede wag kang masyadong matakaw, sige na nga pero pwede bang dumalaw. pagmamahal ko sana ay tanggapin mo, pero kung itataboy mo ay ikamamatay, ikamamatay ko, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, siguro naman, ngayon ay nadarama mo na, kung gaano kawagas ang aking pag-ibig, simula sa laman hanggang sa litid, kailaliman ay sinisisid, pero bakit ginamit puro luha at pasakit, makalipas ang mahabang panahon ng aking pagmamahal, ay napalitan ng galit, nang nakita kita na may kasama kang iba, may dala-dala pa naman akong regalo, matagal kong pinag-ipunan, kinuha ko sa alkansya, naglalakad habang lumuluha tinititigan ang lupa, sinungaling ang mga baraha na tinanong, hindi naman natupad ang kanilang mga hula, wala ng dahilan para mabuhay, naging abo, wala ng kulay, akala ko nung una, tayo ng dalawa, ilang taon din naman kong naghintay, paalam na aking mahal, ako ay di na magtatagal, at tangi ang iyong pagbalik, ang siyang aking ipagdarasal, ipagdarasal. bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan, bakit. hinahanap ka. bakit tinatawag ang iyong pangalan
Song details
Artist: gloc-9