Lyrics

Kay tagal na 'tong nasa isip ko  
Ngunit sa inyo lang maaring sabihin ito  
Ako'y naguguluhan  
At 'di ko maintindihan  
  
Matagal kong pangarap makilala siya  
Ngunit 'pag lapit niya lumalayo naman sa kanya  
Ano ang dapat gawin  
Upang malaman niya ang tunay kong damdamin  
  
Mahal na mahal ko siya  
Kahit 'di manlang ako kilala ah ah ah ah  
  
Sinabi ko na sa sarili ko  
Na 'pag siya'y dumaan ay poporma na ako  
Ngunit kapos ang buwelo  
Talo pagka-macho ko  
  
Sinabi nila mabagal daw ako  
Ang sagot ko naman eh kaya nyo ba ito  
Makakapiling ko rin  
Pag sinabi ko na ang aking damdamin  
  
Mahal na mahal ko siya  
Kahit 'di manlang ako kilala ah ah ah ah  
Mahal na mahal ko siya  
Kahit 'di manlang ako kilala ah ah ah ah  
  
Tuwing makasama ko siya ay napaka-saya  
At wala ng ibang  
At wala ng ibang  
Hahanapin pa  
  
At kung makasama ko siya  
Ay wala ng ibang  
Ay wala ng ibang  
Hahanapin pa  
  
Ako'y naguguluhan  
At 'di ko maintindihan  
Ano ang dapat gawin  
Upang malaman niya ang tunay kong damdamin  
  
Mahal na mahal ko siya  
Kahit 'di manlang ako kilala ah ah ah ah ah  
Mahal na mahal ko siya  
Kahit 'di manlang ako kilala ah ah ah ah  
Mahal na mahal ko siya  
Kahit 'di manlang ako kilala ah ah ah ah  
Ah ah ah ah, ah ah ah ah  
Wohh!

Song details

Artist: Gary Valenciano