Lyrics

limang dipang taong nagtutulakan, sa abenidang aking kinatatayuan, nagaabang ng masasakyan, patungo kung saan, 'di ko malaman, sa aking dyipning sinasakyan, mayroong natanaw na mama, sa dinami-rami ng nagdaraan, ikaw pa ang nakita, ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga, para, mama dito na lang, bababa na ako, para, mama dito na lang, heto ang bayad ko, para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi, limang dipang taong nagtutulakan, ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo, tinatanaw ang pagakay mo, sa dalagang pinagseselosan ko, sa pagmamadali nadapa ako, sa bangketang kinatatayuan mo, lumapit ka, at tinulungan ako, at kita'y tinitigan, ano ba itong naramdaman, sorry mama pasensiya ka na, sorry't naabala ka pa, sorry mama pasensiya ka na, sorry't napagkamalan ka, sorry na sabi, sorry na sabi, sorry mama, sorry't napagkamalan ka, limang dipang taong naguunahan, sa unting sasakyang nagdaraan, sayang ang dyipning kanina'y lulan, at ngayo'y nagsisisi, sa aking pagbubusisi, malaking pagkakamali, para mama sasakay po, limang dipang taong nagtutulakan, para mama sasakay po, limang dipang taong naguunahan, para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi, para na sabi, para na sabi, para mama, para na diyan sa tabi

Song details

Artist: aiza seguerra