Lyrics
, harana para sa dalaga, na kung di dahil sa pag-ibig ay tinalikuran ko na sana, dalaga na balak makasama, mula sa simula hanggang sa magsipagtunugan yung kampana, makasama ka na para bang tadhana, at kamatayan lamang ang nag-iisang pintuan kung wala ka, ang tadhana sadyang kahanga-hanga, ibang mga babae sa mundo kinalimutan ko na para, masabi lang sayo na tapos na ang panggiginaw, ng puso kong naghihikahos pagkat naliligaw, ngayon paos na paos na sa kasisigaw, ng iyong pangalang laos na sa kalilitaw, ngunit bakit parang maraming nakatitig satin, at parang hindi sila sang-ayon sa pag-ibig natin, mahal kita kahit may pagka-alanganin, pagka't satin mas mukha ka pang lalaki kesa sakin, hindi ko maipaliwanag, kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap, paggising ko ikaw ang nasa isip, ka-date kita hanggang sa panaginip, kasi ikaw ang iniibig ko, ngunit hindi ko maipaliwanag, kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap, paggising ko ikaw ang nasa isip, ka-date kita hanggang sa panaginip, kasi ikaw ang iniibig ko, ang buhay parang dagat, na kung saan lahat tayo nagtipon, sa dami ng isda nakabingwit ako ng hipon, hindi ka lang maganda pag-hindi nakatalikod, parang ipot ka ng ibon magpakipot, hindi kanais-nais pero hulog ka ng langit, nakakaadik kahit puro kuto ka sa anit, kalait-lait pero kahit ubod ka ng pangit, sakin maskaakit-akit ka pa pagnatuto kang mag-ahit, hindi ka man napiling ikaw lang ang kapiling ko, kahit hindi pilitin, ikaw ang pipiliin ko, para kang rebisco ang sarap ng feeling ko, ikaw ang namimiss ko, mismo, at kung kasama ka, parang naglakad ng aso, kaso di eh, paggalit si son goku parang kamukha mo babe, pero ika'y bituin kapag sa langit nakadungaw, kahit parang in between ka ng babae at bakulaw, hindi ko maipaliwanag, kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap, paggising ko ikaw ang nasa isip, hiling kita hanggang sa panaginip, kasi ikaw ang iniibig ko, ngunit hindi ko maipaliwanag, kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap, paggising ko ikaw ang nasa isip, ka-date kita hanggang sa panaginip, kasi ikaw ang iniibig ko, isang araw dumalaw, sakin ang aking dating kasintahan, ang sabi nya "uy! meron akong nabalitaan", nang ikwento nya ako'y napaisip, sabay napatahimik nang sinabing "hindi yan tunay na pag-ibig!", ilang araw hinanap bago makita ang sagot, kung tama ang hinala, ito'y mabisa na gamot, at nang aking inumin saka ko lang naunawaan, gayuma nga! lang hiya! ako'y naloko lamang!, nilinlang, dinaya, at inuto ng matindi, ngayon ay pili ko na kung sinong kupal sa hindi, ito ay pelikula na binuo patabinge, isa kang malaking libag na tinubuan ng pisnge!, alam mo? mukha kang tuhod na may bukol, na may sugat, na may nana!, ikaw ang dahilan kung ba't nasulat 'tong harana, para sa dalaga na kung di dahil sa gayuma ay pinaliguan ko ng bala, hindi ko maipaliwanag, kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap, paggising ko ikaw ang nasa isip, hiling kita hanggang sa panaginip, kasi ikaw ang iniibig ko, ngunit hindi ko maipaliwanag, kung ba't marahil ikaw ang laging hinahanap, paggising ikaw ang nasa isip, ka-date kita hanggang sa panaginip, kasi ikaw ang iniibig ko, syempre yan ay dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma, dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma, dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma, dahil sa gaga-gayuma, gaga-gayuma, gaga-gayuma, gaga-gayuma, gaga-gayuma, gaga-gayuma, gaga-gayuma
Song details
Artist: abra